Sarili ko - nawawala. May nagbulong sakin na mahahanap ko siya sa Bohol o kaya sa Bora. Agad kong tinungo ang SM at nagpabook ng flight sa parehong lugar. "Confirm ko bukas before 10am", pangako ko. Ngunit parang nananadya ang panahon. Napuyat ako at nalate nagising. Ala - una na nang magising ako. Malakas ang buhos ng ulan, tila nagsasabing hindi ko na ituloy ang byahe ko. Pasado alas-dos na nang lumabas ako ng bahay. Kasama ang mga gamit ko, lumabas ako ng bahay na walang ideya kung san ako pupunta. Basta kailangan kong hanapin sya. Kailangan. Kailangan. Dinalaw ko muna ang kaibigan kong sila Asul at PJ. Nagvideoke hanggang alas-5. Walang plano kong tinungo ang Victory Liner at sumakay. Sa bus ko na tinext ang kaibigan kong si Rashid na makikitulog ako sa kanila kasi hahanapin ko ang nawawala kong sarili. Pangalawang araw ko na sa Maynila nang matagpuan ko ang sarili ko -- sa MOA. Dito pala sya tumatambay. Nakatalikod. Balisa. Pagod. At malungkot. Kinausap ko sya. Ayaw sumagot. Sabi ko nuod muna kami ng Harry Potter. PUmayag naman ito sa isang kondisyon, kailangan IMAX. Napalunok ako. Huminga ng malalim. Pumikit saka tinungo ang sinehan. Nilibot namin ang MOA. Pinuntahan namin ang lahat ng lugar na pinuntahan namin ni Yaya nun. Pati ang kainang kinainan namin. Dinalaw namin ang mga ito para magpaalam. Sa mga masasayang ala-alang iniwan ng pamamasyal namin ni Yaya dalawang taon na ang nakalilipas. Dinala ko sya sa tahimik na lugar saka nag emo. Di naman kami nag-iyakan. Nagmuni-muni lang. Kinausap ko siya ng matino. Ayaw niya talga. Dipa daw sya handang bumalik ng Baguio . Ayoko siyang pilitin, baka magrebelde. Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinalalahanan ko syang mag-ingat. Binigyan ko siya ng pamasahe nya pabalik kasi mahihirapan akong sunduin siya, wala siyang selfon o wireless connection to communicate with me. Tama siya, hindi ganun kadali yun.Naiintindihan ko siya. Kailangan niyang maging handa pagbalik niya sakin. Kailangan niyang maging mas matatag pagbalik niya. At sa kanyang pagbabalik para buuin ang pagkatao ko.-End
Tuesday, August 11, 2009
Nang Magtampo Ang Aking Sarili!
Mga Itiketa Bisayang yaya, Boi Bakat, Dale Gatchallan, pinoy stories, Yaya
Ipinost ni dal3pogi bandang 8/11/2009 01:16:00 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

















0 Add A Comment:
Post a Comment