Friday, December 5, 2008

Aking Napagtanto!


Nakita ko si YM na nagfri-friendster. Naisip ko tuloy na ipoen yung account ko. As usual madami nnmang bading na hayok sa aking malalaswang pictures ang nagview at nag-add ng account ko, inapprove ko naman.

Inopen ko ang mga messages ko, inuna ko yung message ni St. Joseph, akala ko'y gusto nyang idiscuss yung Pets in Bloom Fashion Show na sasalihan ni Lemon, ni Pepper at ng dog niya na si Tuna.

Medyo mahaba-haba ang message ni St. Joseph sakin. Pinuri niya ang aking mga articles at ang lahat ng contents ng blogs ko. Nagpasalamat din siya sa panulat ko ukol sa pagcongratulate ko sa kanila nila Mamang nang nakaraang 1st Quarter Blue Globe Awards. Kinalaunan, pinarealize niya sakin na madaming nagmamahal sa akin base sa kanyang obserbasyon. Aniya'y ako lang daw ang kuts na consistent sa pagkakaroon ng surprise galing sa mga agents ko tuwing birthday ko.
Salamat sayo St. Joseph, pinataba mo ng husto ang puso ko.

Nagflash back tuloy sakin ang mga birthday ko na nagdaan. Laging masaya magmula nang maging kuts ako. Laging may surprise. Nuong una, pagdating ko sa office, may dekorasyon ang aming bay, ballons at mga pictures ko nagkalat sa floor, may mga konpeti pa. Nung sumunod na taon, baloons, cake tsaka ipinalabas yung movie na ginawa ng mga agents ko, syempre yung mga videos and pictures ko nung lasing ako. Kakababa ng dignidad nga panuurin pero masaya. Tapos ngayon, cake at tarpaulin namanna isinabit pa nila sa bay namin.

Samantalang nuon laging wala akong handa. Kasi naman pareho kaming November ni Bunso. Sa tuwing birthday nya, birthday ko na rin. Ok lang naman yun sa akin. Mahal na mahal ko naman si Bunso eh so sya nalang ang magcelebrate tutal marami namang bumabati sa akin tuwing kaarawan ko. Sapat na yun sa akin.

Napagtanto ko, andami ngang nagmamahal sa akin,therefore nakagawa na ako ng kabutihan. Huwag nalang muna natin ipaalam kay kamatayan baka ilagay na nya ako sa Queue.

Halla anu ba tong nangyayari sa akin. Naku po, mukhang mamatay na nga ako. - End

Sa Muling Pagtapik Ni Kamatayan!


Katatapos lang ng mass para sa mga kaluluwa ng mga namayapang Sitel employees. Isa dun si Ian. Si Ian kaklase ko nung training na naging supervisor sa ibang account. Namatay siya sa isang car accident nung lunes lang. Kakasad nga eh. Naisip ko tuloy na pwedeng bukas makalawa eh matigok din ako. Naku, kawawa naman si Lemon pag nagkataon at magiging malamig ang mga gabi ni Doidoi.

Ewan ko ba, 2 nights ago, nanaginip ako, mamatay na daw ako pag-uwi ko sa Davao. Huling scuba dive ko na daw dahil hindi na ako aahon, at least na-enjoy ko ang marine life ng 24 hours bago ihaon ang katawan ko. Naisip ko tuloy na magpaprint ng magandang picture, yung 8R para may gamitin sila sa burol ko. Gusto ko kasi maganda yung picture na nakadisplay. Baka kasi idisplay ni Mamci yung paborito niyang picture ko, yung mukha akong durugista na tumambay sa talyer sa Barangay Dos. Basta imaginin nyo nalang. Hanggang ngayon nasa room niya yun. Sa taas ng aparador sa harap niya. Mukha nga akong santo pag nakita mo kasi sa ibaba ay may mga rebulto at mga kandila.

Malapit na ang bakasyon ko sa Davao, sa 14 na ngunit diko alam kung excited ako o hindi. Nagtext nga yung mama ni Doidoi kanina, sabi niya itu-tour daw niya ako sa kanila, parang field trip ba. Mahiyain pa naman ako.....saang banda?

Pero sana mag-enjoy ako. Ngayon lang naman ako magbabakasyon. At isa pa, chance ko na ring makilala ang mga paryentes ni Doidoi at mga kaibigan niya. Sana makapalagayan ko sila ng loob.

Hay, tapos na akong magkwento pero di ako mapalagay sa napanaginipan ko. Mamamatay kaya ko? Kung oo, ok lang. Pero sana huwag muna akong tapikin ni Kamatayan. Ayoko muna siyang i-close kasi nakaunli ako ngayon, katext ko si Jisas kanina lang sa misa para kay IAN, pasaload ko daw siya kasi naubusan ng load si San Pedro. Sabi ko naman, mag unli-nyt nalang ako para tawagan ko siya later mga bandang 11pm hanggang 6am para mapagkwentuhan namin kung nakagawa naba ako ng kabutihan. - End


Blogspot Template by Isnaini Dot Com