Wednesday, October 29, 2008

Ang Naninilaw na Laylayan!


Sweldo ngayon kaya kasama si YM, tinungo namin ang isang gusali para makapagpalitada ng mukha(facial). Pagkatapos, tinungo namin ang KFC para mabili ang crispy chicken na ibinilin ni Doidoi. Napansin ko ang isang chubby na mama sa aking kanan. Tinitigan ko kaya ko naalala na si Vincent pala ang mamang nakangiti sa akin. Kaklase ko nung 1st year high school.Ngumiti rin ako.

Tumatak sa isipan ko ang ngiting iyon ni Vincent. Naalala ko ang abiryang kinasangkutan nya ilang taon na ang nakalilipas.

Isang ordinaryong araw ang lunes na yaon. Si Vincent, si Romeo at si Charles ang kasama kong nananghalian. Hindi namin pinansin ang kasibaan ni Vincent habang pinagtritripan ang iba’t ibang putahing inorder niya kay Aling Sopas.Sanay na kami.

Malapit na ang uwian nang may maamoy kaming kakaiba sa loob ng klase. Tahimik ang klase dahil piso kada ingay. Nang hindi na makapagtimpi ang mahaderang baklang si Cippi, tumayo sya.

“Sinu ang natae?”

Tahimik ang buong klase. Humirit si Cippi.

“Tumayo tayong lahat.”

Biglang nagsalita si Vincent, “Bat ako tatayo? Sinu kaba? At hindi ako uto-uto.”

Walang nagawa si Cippi. Wala ring nagawa ang buong klase kundi ang tiisin ang mabahong amoy na nagmumula sa nanlilimahid sa pawis at nilalangaw na si Vincent.

Nagbell na. Hudyat na katapusan na ng klase. Tumayo ang lahat para mag-alay ng dasal. Tumayo din si Vincent. Halos manghina ako sa nakita ko. Naninilaw ang laylayan ng puting polo ni Vincent. Nilalangaw din ito.

Sinugod ni Cippi si Vincent.

“Natae ka.”, sigaw nito.

“Excuse me, hindi ito tae, kahit amuyin mo pa.”, sabay haplos sa naninilaw na tela at saka inamoy.

Alam naman namin na nate nga sya kaya hindi ko maimagine kung panu niya natiis amuyin ang poopoo niya. Hinila ni Vincent ang kanyang back pack at saka umalis kasama ng mga langaw na naksunod sa kanya.

Nandiri ang buong klase. At hindi pumasok si Vincent ng isang Linggo.
-End

Saturday, October 25, 2008

Sa Pagdating ni Bibi Lemon!

Halu, pasensya na kayo kung di ako nakapagkwento sa inyo. Naging busy kasi ako sa pagdating ni Lemon sa buhay namin. Magmula nang dumating si Lemon, lahat ng libreng oras ko, napunta sa kanya.

Narito ang ilang impormasyon tungkol kay Lemon.

Name: Lemon

Last Name: Hindi ko pa alam kung Square or Joy

Birthdate: August 22, 2008

Breed: Shih Tzu, princess type

Price: Secret, hehe!

Favorite color: yellow

Hobbies: eating, wrestling with monkey, weeweeing sa carpet, po0pooing sa dyaryo, kahuling in the middle of the night to wake Boi Bakat up, reading FHM, frustrating Gerang

Kaya, ito, patuluyin niyo rin si Lemon sa buhay niyo. Tiyak, sasaya rin kayo.

















More pics at http://www.friendster.com/dal3pogi.
-End

Thursday, October 16, 2008

Sa Likod ng Photoshoot!

Hindi biru-biro ang pomosing sa harap ng kamera. Sa ganda ng mga kuha, hindi niyo alam na may istorya sa likod ng bawat emosyong pinapakita ng modelo.

Minsan, wala kang magawa kahit ayaw mo ang make up mo. Wala kang magawa sa mga posisyong nais nilang ipagawa sayo. Pauupuin ka, pahihigain kung saan-saan, ngiti, simangot o galit.

Pero ang mahalaga, may kontak ka sa kamera at sa potograper. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat, inienjoy mo ang bawat klik ng camera.

Baguio Sojourn Photoshoot
Photographer: Erwyn Manuel , Norman Castillo
Make up Artist: Abby Valentos






More pics at http://friendster.com/dal3pogi

-End

Sunday, October 12, 2008

Tech-Su-Fart vs. Tech-Show-Port!


Kung mapapansin niyo sa unang issue ng Tech-Show-Port, isa ako sa mga staff writers, marahil ay hinahanap niyo hanggang ngayon kung asan ang artikulo ko. Well, hindi pinayagan ng ating astro boi na mailathala ito. Medyo konserbatibo ata at masyadong pormal ang pahayagang ito. Hindi ko na inilaban ang artikulo ko. Binigyan ako ng pagkakataon ni kumpareng glory ann na ibahin ang aking artikulo at concept ngunit nawalan ako ng taym.. opps nawalan ako ng gana sa totoo lang. Bagama't nagpapasalamat ako sa exposure bilang model ng newsletter(only bilu touches my skin, who touches yours?)!


Pero para hindi masayang ang NAPAKAGANDANG konsepto ko at artikulo, eto, dito ko nalang ilalathala ang konsepto ko at artikulo, mas world-class!


======================================

BOI BAKAT, EXPOSED! (Tell me your tech-show-port stories. I promise to let everyone know!)

Hey ya’all! Welcome to the page where your comical stories are revealed. We begin by reading a letter from our first-ever letter sender.


Dear Boi Bakat,


I was on break when I had a sudden urge to pass gas. I knew it was going to be a loud fart so I went to the comfort room and entered the first cubicle. I was about to bluster it out when I heard two men talking while entering the comfort room. I decided to shelve that air-polluting gas until they both go out. While waiting, I noticed that my shoelace on the right was untied. I tried reaching my right shoe. While bending to get it, my bum trumpet suddenly played. Its notes reverberate through the walls of the comfort room. The explosive fart that I had hoped to contain was heard clearly by the guys who were at that time snickering. I instantaneously turned red. They continued laughing until they eventually went out. I waited 5 minutes before going out the comfort room. And until now, I still feel bad whenever I remember it.


Tech Su-Fart


Dear Tech Su-Fart,


Or should I say fart knocker? Don’t feel bad. You are fortunate because you only have two witnesses of that unpardonable crime. When I was in high school, my classmate farted while we were praying before the classes begin. His bum trumpet was so loud that it sounded like voices of fallen angels in a 50-seat room. We all stopped praying to laugh our lungs out. He did not only turn red, he turned purple. So, cheer up!


Boi Bakat


Thank you for reading and start sending your entries now. See you again next issue. This is Boi Bakat, signing off.
*Pls. send your send your tech-show-port stories to
dal3pogi@yahoo.com or log on to http://dal3pogi.blogspot.com.

======================================


Astro boi, goodluck sayo!
-End

Ang Improbays Hot Kompres!


Biglang bumukas ang aking mga mata, tilaok ng manok ang una kong narinig. Pinilit kong abutin ang relos ni Doidoi sa maliit na mesang katabi ng aming kama. ala-una palang pala ng tanghali. Limang oras pa lamang ako nakaidlip. Bigla kung naradaman ang bahagyang pananakit ng aking puson, hudyat ito na naiihi ako.


Bumangon ako at hinagilap ang aking tsinelas,natadyakan ata ni Gerang nang maglinis ito sa kwarto. Tinungo ko ang banyo, hinila ko ang pinto ngunit nakasara. Namataan ako ni Gerang tsaka sinabing naliligo si bunso. Napasilip si Doidoi na nuo'y nanunuod ng Wowowee.


Sasabog na ang pantog ko. Feeling ko'y konting galaw lang ay kusa nang magbubukas ang lips nijunior. Nagisip ako. Ibinaling ko ang aking paningin sa supot na ginagamit ni Doidoi sa pagbalot ng aking baong sandwich, Inunat unat ko ito at tingin ko'y matibay naman.

Dala-dala ang puting supot, tinungo ko ang kwarto. Binuksan ang zipper, inilabas si junior at saka ishinoot sa supot. Tila langit ang pakiramdam ko nang tuluyang ibuhos ni junior ang dilaw na likidong inipon niya ng mahigit anim na oras. Laking ginhawa ko nang mailabas kong lahat ito. Halos mapuno ang supot. Ibinuhol ko ito nang mahigpit at tinungo ang pintuan sa labas ng kusina. Hindi ko alam kung saang basuraan ko ilalagay, nabubulok? o di nabubulok? ang supot, hindi, ang ihi, pwede.


Narinig ko si Doidoi na nagbuntong-hininga. Biglang, nagdilim ang isip ko. Akay-akay ang puting supot na puno ng dilaw na likido, tinungo ko ang sala. Sakto nakatalikod si Doidoi at mukang pagod ito sa pagbabasa. Inilapat ko ang mainit na puting supot sa kanyang batok. Kinapa niya ito at tinanong, "Anu yan?".


"Hot compress."

"Ganun ba?, Jang banda. Masarap. Diinan mo pa."


Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Iilipat-lipat ko ang puting supot hanggang sa kanyang braso. Panakaw-tingin niyang sinulyapan ang supot. Nang mapansin nito na kulay dilaw ang laman nito, hindi ko na mapigilan ang aking tawa. Nanikip na nga ata ang aking dibdib sa pagpigil nito. Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking kanang pisngi. Patuloy ang aking pagtawa. Hindi napigilan ni Doidoi ang pagdaing ng pandidiri habang ako'y patuloy sa paghalakhak. Nang wala nang magawa si Doidoi, nakitawa narin ito.


Isang makatindig-balahibong eksperyens para kay Doidoi.Isang panibagong imbensyon ni Boi Bakat.


-End.


Blogspot Template by Isnaini Dot Com