Scarlet Party ang naging tema ng 3rd Quarter Recognition ng AT&T. Halos lahat naka-Red. Kumpara sa nakaraang Blue Globe Awards, masasabi kong mas maayos ang pagdiriwang na ito. Mas maganda ang location, mas masarap ang food at hindi KAKARAM(kakaramput, ang pagkain ng mga gods and goddesses nung nakaraan na Q1 Awards) o di kaya’y TIBITIN (tipid na, bitin pa!, ang pagkain nung nkaraang Q2 Awards). Gaya ng dati, nagkaroon ulit ng presentation per cluster. At dahil Delta pa naman kami sa Q3, nirepresent namin ang Delta. Kasama ko si Ahenteng Negra, si YM, Maria Rikina at si Lil Daddy. Kulang-kulang na isang Lingo ang aming pag-iinsayo, kasama na dun ang mpagprepare ng props at pagbili ng costume. Sulit naman ang pagod at sakpisyo namin para sa presentation dahil nakamit namin ang unang gantimpla laban sa pitong katunggali.




In fairness, magagaling naman ang ibang teams kaso mas magaling kami. (ang mag-react, mas mapait pa sa marapait!). –End
Saturday, November 29, 2008
Si Boi Bakat Sa Q3 Blue Globe Awards!
Mga Itiketa Boi Bakat, Chismis sa Sitel Baguio, q3 blue globe awards
Ipinost ni dal3pogi bandang 11/29/2008 10:39:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

















0 Add A Comment:
Post a Comment