Tuesday, August 11, 2009

Nang Magtampo Ang Aking Sarili!


Sarili ko - nawawala.

May nagbulong sakin na mahahanap ko siya sa Bohol o kaya sa Bora. Agad kong tinungo ang SM at nagpabook ng flight sa parehong lugar. "Confirm ko bukas before 10am", pangako ko.


Ngunit parang nananadya ang panahon. Napuyat ako at nalate nagising. Ala - una na nang magising ako. Malakas ang buhos ng ulan, tila nagsasabing hindi ko na ituloy ang byahe ko. Pasado alas-dos na nang lumabas ako ng bahay. Kasama ang mga gamit ko, lumabas ako ng bahay na walang ideya kung san ako pupunta.


Basta kailangan kong hanapin sya. Kailangan. Kailangan.

Dinalaw ko muna ang kaibigan kong sila Asul at PJ. Nagvideoke hanggang alas-5. Walang plano kong tinungo ang Victory Liner at sumakay. Sa bus ko na tinext ang kaibigan kong si Rashid na makikitulog ako sa kanila kasi

hahanapin ko ang nawawala kong sarili.


Pangalawang araw ko na sa Maynila nang matagpuan ko ang sarili ko -- sa MOA. Dito pala sya tumatambay.


Nakatalikod.

Balisa.

Pagod.

At malungkot.


Kinausap ko sya. Ayaw sumagot.

Sabi ko nuod muna kami ng Harry Potter. PUmayag naman ito sa isang kondisyon, kailangan IMAX. Napalunok ako. Huminga ng malalim. Pumikit saka tinungo ang sinehan.


Nilibot namin ang MOA. Pinuntahan namin ang lahat ng lugar na pinuntahan namin ni Yaya nun. Pati ang kainang kinainan namin. Dinalaw namin ang mga ito para magpaalam. Sa mga masasayang ala-alang iniwan ng pamamasyal

namin ni Yaya dalawang taon na ang nakalilipas.


Dinala ko sya sa tahimik na lugar saka nag emo. Di naman kami nag-iyakan. Nagmuni-muni lang. Kinausap ko siya ng matino. Ayaw niya talga. Dipa daw sya handang bumalik ng Baguio . Ayoko siyang pilitin, baka magrebelde.


Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinalalahanan ko syang mag-ingat. Binigyan ko siya ng pamasahe nya pabalik kasi mahihirapan akong sunduin siya, wala siyang selfon o wireless connection to communicate with me.


Tama siya, hindi ganun kadali yun.Naiintindihan ko siya. Kailangan niyang maging handa pagbalik niya sakin. Kailangan niyang maging mas matatag pagbalik niya. At sa kanyang pagbabalik para buuin ang pagkatao ko.-End

Thursday, May 28, 2009

Clip Pick # Ewan - Cant Have It All (Foot Scrub Version)



Conceptualized, edited and finalized in less than 6 hours.

Ngayon bilib na talaga ako sa sarili. (Wala ng kokontra!)

-End

Monday, May 25, 2009

Si Gerang!


Si Gerang – matagal-tagal naring naninirahan sa amin. Simula palang e napamahal na ako sa kanya. Siya ang rason kung bakit hindi ko na kinakausap ang magaling kong kuya.

 

Minsang lasing ang lokong yun, binato(o hinagisan) niya ng monoblock si Gerang. Buti nalang at nakailag sya. “Buti kapa kumakain ka ng masarap na pagkain samantalang ako kung san-san lang kumakain!”, sumbat nito. Wow, kasalanan ba ni Gerang na lumayas sya at makikain kung kani-kanino? Haha, baliw talaga yun. Next topic na, tataas nnman ang BP ko.

 

Si Gerang ubod ng sipag. Kung minsan, nakakainis ang kasipagan niya. Yung tipong nagluluto ako e huhugasan niya agad ang sandok na pinang-gisa ko, dipa ako tapos magluto.

 

Si Gerang – masungit. Napakasungit. Ito ang ilan sa mga sungit lines niya: “Kuya, yung mga damit mo, magulo nnman, kaayos ko lang.(tsaka titingin ng nakakamatay na tingin)” “Kuya pag umihi ha, iflush mo naman.””Hay naku, ikaw ang magtapon ng mga tissue na ginamit, hay!(sabay dabog, haha)”. O diba? Senyora ang dating. Pero kahit ganyan yan mahal ko yan.

 

Si Gerang – malihim. Minsan, hiniram ko ang selfon niya. Pagkatapos kong gamitin, biglang may nagtext. Na-curious ako. Binuksan ko tuloy. Ang text ay galing kay PAPA Q. Lalo ako nagka-interes. “Mama q, mahal na mahal kita, bakit mo aq pinaloadan? May load pa ako. Nga pala, naiwan mo yung suklay mo.” Halos mamatay ako sa tawa. Binasa ko ng malakas ang text sa harap ni YM at ni Bunso. Hinabol ako ni Gerang sa bwisit nya. Wala kaming kamalay-malay na may PAPA Q pala siya. 2 years na pala silang mahigit.

 

Si Gerang – nakakatawa. Ito ay ilan lamang sa mga kakatawa at kakatuwang eksena niya.

 

Gerang:  Diba taga- Lasma si ate YM?

B. Bakat: Ha? Lasma?

Gerang: Oo, lasmariƱas sa cavite diba?

B.Bakat: Hahaha, Dasma.

Gerang: Ha? Halla, mas maganda namang pakinggan ang Lasma. (ayaw pa maniwala)

 

Gerang: Babtis ang religion niya. (Baptist cguro!)

 

Sa game show.

Gerang:  Halla ang laki na ng pocket money.

B. Bakat: San?

Gerang: Pag nakuha niya yung tamang sagot, makukuha niya lahat ng pocket money.

B. Bakat: Aaaah... POT MONEY! (*wink)

 

Gerang: Dun sya nakatira sa Ruksas City.

B. Bakat: Ha? Ruk-sas?  Spell mo nga.

Gerang: R-O-X-AS! Ruksas.

B. Bakat: Punas please, nosebleeding ako.

 

Abangan ang susunod na kabanata, sa buhay ng DYOSAng si GERANG! -End

 

 

 

 

Sunday, May 24, 2009

Sa Aking Pagbangon!


Hello sa inyong lahat.

Una, pasensya na kung ngayon lang ulit ako magkukuwento. Madaming rason kung bakit hindi ako nakapagsulat. Madaming di maiiwasang pangyayari ang naganap. Diko sukat akalaing pati ang hilig ko sa pagsusulat ay maapektuhan. 

Kagabi lamang,sa apat na sulok ng kwarto ng ospital na ito ay aking napagtanto na handa na ako para makibalita at magbalita. 

Pangalawa, tama ang nasagap mong balita. Wala na kami ni Yaya(such a loser yaya!,salamat sa ideya Aisa), nung Marso pa. Pinangarap kong makasama sya habambuhay. Tiniis ko lahat ng mga ugali nyang di kanais-nais. Minahal ko sya ng lubos at tapat. Oras, pawis at dugo ang puhunan ko, maipaglaban ko lang ang pagmamahalan namin laban sa matatalas na mata, saradong isipan at mapaghusgang puso ng mga tao. Ngunit pait ang idinulot ng himagsikang yaon. 

Pangatlo, walang katotohanan ang lahat ng paratang ng mga taong sa simula’t sapol ay walang muwang sa pinagdaanan ko. Walang sinuman ang makakapasabi ng nilalaman ng aking puso at tinatakbo ng aking isip. Walang karapatan ang sinuman na kwestyunin ang anumang ikinilos ko nang mga panahong labis akong nasaktan. Lahat ng desisyon – panget o hindi, ay dulot ng kirot ng sugat na iniwan ng malungkot na pangyayaring iyon. 

Walang katotohanan ang “Charlie: the better man”, walang katotohanan ang sinabi ko na hindi ako nasaktan. Walang katotohanan ang ipinabatid ko na hindi ako umiiyak gabi-gabi. At walang katotohanan ang ipinamalas kong katapangan sa inyong lahat. Ang lahat ng ito ay bunga ng liku-likong isip na umangkin sa buo kong pagkatao nang pinagdaanan ko ang masaliimuot na pangyayaring iyon.

Tao lamang ako. Sa totoo lang, napakarupok ko, daig ko pa ang puno ng santol na nabuwal sa payak na ihip ng hanging dala ng pamaypay. Ngunit lumaban ako. Ipinakita ko na kaya kong maging matapang. Kaya kong tanggapin ang mga pasakit ng buhay at kaya kong bumangon pagkatapos madapa. Maliban kay YM at kay ahenteng negra na syang nakasaksi sa totoong nararamdaman ko, walang makakapagsabing galing ako sa komplikadong bayan ng Brgy. Break-up – na dumaan ako sa tulay ng kamatayan at muntikan kong binungkal ang lupang libingan ko. Malungkot. Makirot.

Pang – apat, handa na ako. Handa na ako sa susunod na kabanata ng aking buhay. Handa na akong magmahal at masaktan muli. Bukas na ang puso ko sa sinumang gustong magmay-ari. Sa mga pumila, pila lang kayo, mamimili ako. Yung karapat-dapat. Yung matured mag-isip. Yung hindi nang-iiwan sa ere. Yung taong may paninindigan. At higit sa lahat, yung hindi bisaya. Natuto na ako. – End



Monday, January 12, 2009

Laughing Out Loud sa mga Eksena ni YM!


Halos limang buwan narin si YM sa team ko. At sa limang buwan na yun masasabi kong nagging close kami ng husto. Kulang nalang eh tumira na siya sa bahay naming.

Agad kong nagustuhan ang pagiging simple niya at higit sa lahat ang mga masasayang kwento niya. Ilan lamang ang mga sumusunod:


“Kuts, dito tayo kumain sa Volante kasi maganda ang lightning(lighting, kung may kidlat din lang, ayokong kumain dyan!)”


“Mr. amm.. amm.. amm.. (hindi mapronounce ang last name)… amm.. amm.. Sir?”


Hoy ym, lika kain tayo..(si YM nalito)“Hold on don sir!”(hold on sir.)


“This is already P-Shi Issue.”(PC issue)


YM galit sa bwisit na customer. Pasigaw.“Is your address from Tenesse?”(ha?galing sa TN ang address niya?)


Cu: Are you from the Phils?

YM: No sir.

Cu: Cmon, you cannot trick me. Kamusta ka?

YM: Im fine sir. (Bistado!)


“Is that J for Georgia? Or G for Jeorge?”(nosebleed ang customer!)


YM: Do you see the green sirkel?

Cu: No.

YM: What do you see below File?

Cu: Green circle(eh bat kasi sirkel? Circle nga.)


B. Bakat: Hoy may OM, speak English.

YM: What will I tol her?(tol o tell?)


“The customer has AT&T Internet Security SHWIT!”(Suite ungas!)


B. Bakat: Itong elbow at shell macaroni nalang.

YM: Bo-tis nalang!

B.Bakat: Bowties!(nose bleed ako dun a!)


B.Bakat: Diba tiga-Georgia si Mr. Burns?

YM: Hindi, Atlanta daw.

B.Bakat: Oo nga Georgia.

YM: Hindi nga Atlanta nga daw.(Waah! Ayoko nah! Ang Atlanta ay nasa Georgia!)


“Sir, can you saw the blinking cursor? Ayy you can you see?”(so?)


Si YM galit.“Tama na. Mooding forward.”(Moving forward ata ang ibig niyang sabihin.)


“Kuts, ang gwapo mo naman ngayon. San galing yang piolo mo?”(Piolo? Ahhhh polo.)


Hay hay, may kapalit na ata si agent Y ang ahenteng nagpadugo sa ilong ko.-End

Ang Matres ni Tinay!


Magmula nang grumadweyt kami ay never ko pang nakita si Tinay. Umuwi siya kelan lang from Duabai para makapagpatingin sa espesiyalista. May kinalaman ang karamdaman niya sa kanyang matres.(Pasalamat nga sya kay Jisas at binigyan pa sya ng matres, ilang milyong bading ang umaasang magkamatres noh!)

At dahil dito, niyaya niya kaming magbabakarkada upang magtipun-tipon.

Matapos ang mahigit isang oras kong pag-aantay ng sasakyan ay nakasakay din ako. Isinama ko si Lemon sa kahilingan ni Booba. Tinangka naming sumakay sa Partas, dala-dala si Lemon sa kanyang bag ay inakyat ko ang bus ngunit nang Makita ng kondoktor si Lemon ay pinababa kami kahit iginiit kong mabait si Lemon at naka-diaper naman ito.

Parehong kwento ang nangyari nang tinangka kong sumakay sa isa pang aircon bus. Naisipan ko tuloy mag-Van ngunit dahil mag-isa ko lang pinalipat nalang ako sa ordinary bus. Wala na akong nagawa kesa naman hindi ako makapunta at Makita ang kaibigang si TInay.

Pagdating ko sa resort, niyakap ko ng mahigpit si Tinay a.k.a Akulalyn(bansag na itinawag ng barkada sa kanya, hango sa pangasinense na akulaw na ang ibig sabihin ay matandang babae. Dinugtungan lang naming ng lyn para magtunog pangalan, siya kasi ang pinakamatanda sa barkada.)

Walang pinagbago si TInay, Kung meron ma’y yung eyeglass niyang makapal ay palitan ng contact lenses. Hanggang ngayon , isa pa rin siyang masayahing tao. Iniipi parin niya yung dila niya tuwing mag-ssmile at higit sa lahat kalog parin sya.

Pinilit ko syang pagkwentuhin tungkol sa boipren niya pero nak]hirapan ako. Gaya ng dati malihim parin ito. Tinanong ko kung virgin pa sya ngunit nagkibit-balikat lang ito at saka ngumiti.

Naging masaya ang pagkikita naming. Gaya ng dati, puno parin ng tawanan at puno ng kwentuhan. At gaya ng dati, punto parin ng tawanan ang kakatwa at naturally funny na si TInay. End

Wednesday, January 7, 2009

Sa Aking Paghihinagpis!


Mahigit isang oras akong mas maaga sa shift ko ngayon. Di ako makatulog kaya minabuti kong magtungo nalang dito sa opis.


Tinungo ko ang c.r., pinipilit kong ngumiti pero sobrang hirap talaga pag sobrang bigat ng dinadala mo.


Andami kong tanong. Bakit ako? Bakit lagi nalang ako? Bakit ba lagi nilang sila ang prinoproblema ko? Pwede bang ako naman ang problemahin nila? Laging sinasabi ng kuya ko na makasarili daw ako, pero bakit ako nasasaktan ng ganito. Ilang beses ko ng iniyakan ang mga kapatid ko pero parang walang hantungan ang dala nilang pasakit saakin. Bakit ba? Bakit ako?

Awang-awa ako kay Mamci nang mapakinggan ko ang boses nya sa telepono. Pinigil ko ang mga luha ko dahil kailangan kong magmukhang matibay para kay Mamci. Natutunan ko yun kay Doidoi na kung may kausap kang umiiyak dapat huwag kang umiyak para may mapaghugutan sila ng lakas.

Tiniis ko ang mahaba at madamdaming usapang yaon na magtunog matapang. Kailangan kong panindigan ang pagiging sandalan ni Mamci sa panahong yaon.

Pagkababa ko ng telepono, agad kong tinungo si Doidoi sa kuwarto. "Ok ka lang?", tanong niya. Saka ko isinalaysay ang pangyayari. Niyakap ako ni Doidoi, galit na galit itong nagbigay ng komento sa sinabi ko. Pinilit kong pigilan ang luha ko ngunit parang tubig sa batis na lumagaslas ang mga ito sa aking mukha. Hinigpitan ko ang kapit ko kay Doidoi. Nais kong maging matapang at matibay ngunit kayhirap. Nanghina ang buong katawan ko.

"Kawawa ka naman", simpatya ni Doidoi pagkatapos ay unti unting tumulo ang luha niya at saka nakipagsabayan sa paghikbi ko. Wari ko'y nararamdaman ni Doidoi ang parang kutsilyong nakaturok sa aking puso ng mga sandaling yun. Mahapdi na nasusumpungan ng bawat hikbi.

Panginoon, tulungan mo akong intindihin ang pangyayaring ito. Turuan mo akong tanggapin ang kapalaran ko. Sanayin mo akong maging matibay at laging handa. Libangin mo ako sa mga kaibigang bumubuklod ng aking pagkatao at higit sa lahat ay unawain mo ang aking munting pagkakamali na dulot ng pait na ito. - End


Blogspot Template by Isnaini Dot Com